Zubiri at Revilla, isinulong ang pagpasa ng Philippine Agriculturists Act
Pinangunahan nina Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri at Ramon “Bong” Revilla Jr. ang matagumpay na pagpasa ng Senate Bill No. 2906 o Philippine Agriculturists Act upang palakasin ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon kay Zubiri, nakatanggap sila ng maraming mensahe ng pasasalamat mula sa mga stakeholder ng agrikultura matapos aprubahan ng 23 senador ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa ilalim ng batas, itatatag ang Professional Regulatory Board of Agriculture na pamamahalaan ng Professional Regulation Commission (PRC). Layunin din ng panukalang ito na ang mga rehistradong agriculturist lamang ang may karapatang gumamit ng titulong “Registered Agriculturists (R.Agr)” at makakatanggap ng minimum na suweldo na hindi bababa sa Salaray Grade 13.
Nagpasalamat din si Revilla sa mga kapwa senador sa kanilang suporta.

Inaasahan ng mga mambabatas na magbibigay daan ang batas na ito para mapalapit ang makabagong pananaliksik sa tradisyunal na pagsasaka, na mahalaga sa seguridad sa pagkain at pambansang kaunlaran.