Malik domina si Dumaan, uusad ito sa finals
Bumanat si Abdul Malik ng Indonesia gamit ang kanyang mga sweeps, takedown, at strikes para talunin si Dines Dumaan ng Pilipinas at masikwat ang pagkapanalo sa Pencak Silat 2019 Belgium Open na humugot nang 2-0 na puntos, ika-4 ng Mayo.
Kumamada si Malik at inatake si Dumaan sa unang round ng laban, nagtama ng maraming tama ang katunggali nitong si Dumaan.
Rumesbak kaagad si Dumaan at naging agresibo ang mga atake nito, ngunit hindi man lang nagulantang si Malik, naging mapamatyag ito sa bawat kilos ni Dumaan. Sinelyuhan ni Malik gamit ang Body Scissor Lock na nagkuha ng mga atensyon sa mga manonood.
Bumida pa rin ang mga strikes at takedown ni Malik, walang magawa si Dumaan kahit anong mga atake at depensa nito dahil lumulusot pa rin ang mga suntok at sipa nito na may dalang agresibo ang bawat tama, 1-0.
Nanguna si Malik sa bawat liksi at bilis ng kanyang kamay at paa, lagi rin siyang alerto sa galaw ng kalaban. Binabantayan nito maigi si Dumaan para puntiryahin ang katawan nito.
Bitbit ang kamandag na mga kamao at sipa nito, pinatumba niya si Dumaan at nagtala ng, 2-0.
Tinanghal na panalo si Abdul Malik at aarangkada sa Finals ng Pencak Silat 2019 Belgium Open.