Maginhawang Pagbawas

Maginhawang Pagbawas

Maginhawang Pagbawas

     Mainit pa ang kape sa anunsyo nitong Miyerkules, Ika-29 ng Enero dahil inaprubahan na ng House of Representatives ang panukalang batas na nagpapababa sa premium contribution rate ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 3.5% mula 5%. Atlas, ang mga employer sa buong Pilipinas ay mawawalan ng pag-aalala sa paglalaan ng pera sa pagitan ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ipon, at kontribusyon sa PhilHealth.

 

     Ang House Bill 11357 o An Act Strengthening the Philippine Healthcare System to Achieve Efficiency and Equity, and to Improve Public Health Emergency Preparedness ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce sa ikalawang pagbasa. Ang ulat ng komite sa panukala ay nagbasa na, “Ang panukalang batas na ito ay magpapalakas sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng Pilipinas upang mapabuti ang kahusayan at katarungan, at upang bumuo ng katatagan sa pasulong, natututo mula sa mga karanasan sa panahon ng pandemya ng COVID-19,”

 

     Malaki ang maitutulong ng pagbabagong ito sa mga manggagawa. Sa pamamagitan ng pagbabawas sa rate ng kontribusyon ay nagbibigay ng agarang pinansiyal na kaluwagan sa mga miyembro, lalo na ang mga nasa bracket na mas mababa ang kita, at maaari silang maglaan ng mas maraming pera kaysa dati sa kanilang mga pangangailangan ngayon.

 

     Ngunit, ang pagpababa ng PhilHealth contribution rate ay may mga side effects na maaaring gumawa ng malalaking pagbabago sa malapit na hinaharap. Isa sa mga ito ay ang posibilidad na magkaroon ng pagkukulang sa funds. Ang pagbaba ng rate ng kontribusyon ay maaaring humantong sa pagbawas ng kita para sa PhilHealth, na maaaring makaapekto sa kakayahan nitong pondohan ang mga komprehensibong serbisyo at benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga miyembro.

 

     Gustuhin mo man o hindi, opisyal na ang House Bill 11357, bagama’t malaki ang benepisyo ng agarang tulong pinansyal sa mga empleyado, Meron padin posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa pondo para sa mga emergency. Ang pinakamahusay na magagawa natin ngayon ay pahalagahan ang pagbabagong ito, at matutunan kung paano i-budget ang pondo sa maingat at matalinong paraan.

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *