Hakbang para sa Proteksyon
Nakakatakot isipin na may mga posibilidad na ma-leak ang ilan o lahat ng pribadong impormasyon ng gobyerno na maaaring gamitin bilang panira sa bansa. Ngunit huwag nang matakot dahil hinimok ng Senado na amyendahan ang Espionage Law sa gitna ng pag-aresto sa mga umano’y espiya. Ang simpleng pagkilos na ito ay lubos na nakikinabang sa bansa, kahit ngayon lang ngunit para sa mga susunod na henerasyon.
Nitong ika-21 ng Enero 2024, nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros para sa agarang pagpasa sa panukalang batas na nagpapatibay sa 83-anyos na Espionage Law sa gitna ng pag-aresto sa isang Chinese national at dalawang Filipino dahil sa umano’y pagsasagawa ng spying activities. Dahil dito, naalarma si Sen. Hontiveros at naramdaman niya ang pangangailangan para sa pag-amyenda upang maiwasan ang pagpasok ng mga espiya sa bansa at sa posibilidad na masugatan ang republika.
Habang ang mga Chinese coast guard ay tila isang inang ibon na nagbabantay sa itlog nito, ang West Philippine, hindi dapat maging kampante ang ating gobyerno sa pagbabantay sa ating bansa at hayaan na lang ang ilang mga espiya sa ating sistema. Saad pa ni Hontiveros na inaasahan niya na ang Department of National Defense (DND) kasama ang iba pang may-katuturang ahensya na gawin nila itong, pangunahing priyoridad.
Gaya ng nangyari noong nakaraang taon, wala tayong kamalay-malay na may umano’y espiya sa ating bansa—si Alice Gou, ang Dating Alkalde ng Bamban, Tarlac. Isang Chinese na espiya na humarap sa maraming imbestigasyon at interogasyon dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa iligal na pagsusugal at iba pang kriminal na aktibidad. Sa ating karanasan sa pagiging “distraction” niya sa isyu ng West Philippine, hindi tayo dapat magpabaya, kahit ito man ay ipinaglalaban ang ating mga karapatan para sa West Philippine Sea kundi pati na rin ang mga espiya sa ating bansa.
Sa kabila ng mga banta ng espionage, ang pagpapasa ng amyenda sa Espionage Law ay isang hakbang na magpapalakas sa ating proteksyon laban sa mga espiya. Ang mga isyung tulad ng kaso ni Alice Gou ay nagsisilbing paalala na hindi sapat na magtangkang sugpuin ang banta ngayon—kailangan din nating maghanda para sa mga susunod na hamon upang matiyak ang kalayaan at seguridad ng ating bansa. Ang pag-aamyenda ng batas ay isang hakbang na hindi lang magpapalakas sa ating pambansang seguridad ngayon, kundi para sa mga susunod na henerasyon.