GININTUANG PALAD
Haidong naghari kontra Mandal, ginto sinikwat
Haidong naghari kontra Mandal, ginto sinikwat
Nilugmok ni Jiang Haidong ng China ang pusong pinoy na si Arnel Mandal sa pamamagitan ng kanyang balanse na mga offensive at defensive na mga atake nito, na nagresulta ng 2-0 sa Wushu Men’s Sanda 56kg Finals sa 19th Asian Games, ika-28 ng Setyembre 2023.
Matapos ang mga suntok at sipa nilang dalawa, sa huli ng laban itinanghal na panalo si Jiang Haidong at sinikwat ang gintong medalya.
Ipinakita ni Mandal ang kanyang sweep kick at straight punch sa unang round ng laban, ngunit na dpensahan ito ni Haidong at gumamit ng Double leg takedown.
Sunod-sunod na mga atake ang ginawa ni Mandal pero siya parin ang naitumba sa huli. Sobrang agresibo ni Mandal kaya nawawalan ito ng mga tsansya na umatake kay Haidong, kinuha kaagad ni Haido ang mga tsansya para gamitin ang tambalang Front kick at Shoulder throw, 1-0.
Ikalawang round ng laban, walang pag-asa si Mandal dahil ang kanyang mga atake ay nadedepensahan ni Haidong ng mabilisan na walang kibo at binabato pabalik nito sa kaniya ang mga suntok at sipa na umaapoy, 2-0.
Itinanghal na panalo si Jiang Haidong at sinikwat ang gintong medalya sa Finals, bagaman pilak naman ang nakuha ng pusong pinoy na si Arnel Mandal.