Dilemma sa Kinabukasan
Nasa dilemma ka pa rin ba sa pag-iisip kung anong strand ang kukunin para sa iyong Senior High School (SHS) year? Hindi na kailangang mag-alala dahil sa wakas ay naipasa na ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukalang batas na magpapahintulot sa mga mag-aaral sa junior high school na pumili sa pagitan ng dalawang landas sa edukasyon: pag-aral sa kolehiyo o isang programang teknikal-bokasyonal—ngunit alin ang pipiliin mo?
Nilalayon ng House Bill 11213 na payagan ang mga junior high school graduates na magpasya kung kukuha sila ng dalawang taong university preparatory program sa ilalim ng Department of Education (DepEd) — ang kasalukuyang K-12 program, ang pagdaan muna sa SHS bago pumatong sa kolehiyp; o isang technical-vocational program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pagtapos ng Junior High ay didiretso na agad sa kolehiyo.
Sa pagdadaan muna sa SHS, mas maging handa ang mga bata para sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral na nagbibigay sa mga ng mga kasanayan at sertipikasyon na nagpapabuti sa kakayahang magtrabaho. Gayunpaman, ang karagdagang dalawang taon ng programa ay maaaring maging pabigat sa pananalapi para sa mga pamilya dahil sa karagdagang gastos sa pag-aaral.
On the other hand, ang pagpupursige sa isang technical-vocational program sa ilalim ng TESDA pagkatapos ng Junior High ay nag-aalok ng praktikal, industriya-relevant na mga kasanayan na maaaring humantong sa mas mabilis na trabaho at cost-effective na edukasyon. Gayunpaman, maaaring limitahan ng landas na ito ang pagkakalantad sa mas malawak na kaalaman sa akademiko, na maaaring makahadlang sa paglago ng karera sa hinaharap, lalo na para sa mga naghahanap ng mga tungkulin sa pamamahala o mas mataas na edukasyon.
Parehong mga pagpipilian ay nag-aalok ng pantay na mga benepisyo at kasahulan. Maaring parang isang dilemma na pumili kung magpapatuloy ka sa kasalukuyang K-12 program, o ituloy ang technical-vocational program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ngunit sa alinmang paraan, ang pagpipiliang ito ay hindi makakaapekto nang malaki. ikaw dahil makakapagtapos ka pa rin at makakahanap ng trabaho para masustindihan mo ang iyong mga pangunahing pangangailangan balang araw.