Pusong May Laban, Disiplina’y Sundan

Pusong May Laban, Disiplina’y Sundan

Pusong May Laban, Disiplina'y Sundan

     Mabilis, elegante, at puno ng kwento ang palakasan ng Wushu na isang martial art. Ito’y pagsasanib ng sining at disiplina, isang salamin ng kultura at tapang. Handa ka bang tuklasin ang lihim ng bawat galaw?

 

     Wushu ay isang sports na nagmula sa Tsina na ang ibig sabihin ay martial arts. Isang tradisyonal na sining ng pakikipaglaban mula sa Tsina ang larong Wushu, na unti-unting pumapasok sa mainstream ng Pilipinong isports. 

 

     Sa bawat pagkakataon na ang mga atleta ng Wushu ay nagpapakita ng kanilang galing sa mga kompetisyon, hindi lamang sila nagdadala ng tagumpay sa kanilang sarili, kundi nagbibigay din ng inspirasyon sa kanilang mga kababayan upang mangarap at sumubok na makamit ang kanilang mga pangarap.

 

     Patuloy na lumalago ang Wushu sa bansa sa pangunguna ng mga magigiting na atleta tulad nina Agatha Wong, Daniel Parantac, Eduard Folayang at iba pa. Ang kanilang mga tagumpay sa pandaigdigang kompetisyon ay nagpapatunay na ang Pilipinas ay may malaking potensyal sa larangan ng Wushu at patuloy na nagpapakita ng kakayahan upang makipagsabayan sa iba’t ibang mga bansa sa mundo.

 

     Inuwi ng isang pinoy ang silver medal sa 19th Asian Games na si Arnel Mandal para sa Pilipinas. Sa taong 1996 ang Pilipinas ay nag host ng isang Asian Wushu Championships at nanalo ng limang medals ang Pilipinas ito ang dahilan bakit nakilala tayo na maging upang maging isang kapangyarihan na umasa sa noon ay medyo sanggol na isport. Ang Pilipinas mmay meron nang total na 11 medals para sa ongoing na 19th Asian Games.

 

     “Wushu ang aking laging natutukan. Dati, ako ay palaging binubugbog. Mahirap talaga ang practice at training, Yu Shi Bu,” ani niya.

 

     Sa bawat hampas ng espada at talon sa ere, hindi lang pisikal na lakas ang ipinapamalas ng Wushu kundi ang disiplina at puso ng mga atleta na nagtataguyod nito. Isa itong paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya, kundi sa pagkamit ng balanse sa katawan, isip, at kaluluwa.