Katotohanan na ipinaglaban

Katotohanan na ipinaglaban

Katotohanan na ipinaglaban

     Bawal ba magbigay ng katarungan para sa lipunan? Banta man iyan para sa kanila, kalayaan at prinsipyo aming pinapahalagahan. Isang maling hakbang, isang maling salita at ika’y maaring kalaban ng estadong mapanlinlang. Sa gitna ng sigaw para sa pagbabago at katarungan, may banta na tahimik ngunit mapanira. Ito ang madilim na mundo ng red-tagging, isang sumisirang boses ng mga kabataang lumaban para sa katarungan.

 

     Red tagging ay isang mapanganib na anyo ng paninirang-puri, kung saan ang mga indibidwal o organisasyon ay inaakusahan ng pagkakaugnay sa komunismo o rebelyon, kahit walang sapat na ebidensya. Ito’y naging taktika ng panunupil upang patahimikin ang mga bumabatikos sa sistema.

 

     Sa ating panahon ngayon, mas malala ito dahil sa social media. Isang maling post lang, at maaari kang maging target ng mapanirang mga akusasyon. Marami na ang nawalan ng trabaho, pamilya, at maging ng buhay dahil sa isyung ito.

 

     Bagamat mas kilala si Maria Ressa at ang Rappler sa isyu ng fake news at cyber libel, ilang ulit ding naiugnay ang kanilang organisasyon sa mga grupong makakaliwa dahil sa kanilang pagbabalita tungkol sa extrajudicial killings, human rights violations, at iba pang isyung may kaugnayan sa gobyerno. Madalas silang tawaging “biased” at inaakusahan ng pagsuporta sa mga rebeldeng grupo, kahit walang malinaw na ebidensya. Ang ganitong akusasyon ay naglalagay sa kanila sa panganib, lalo na’t ang red-tagging ay nagiging mitsa ng harassment o banta sa kanilang buhay.

 

     Ngunit hindi dapat magwagi ang red-tagging sa pagbura sa ating kalayaan. Kailangang manatiling kritikal ang bawat isa sa pagtanggap ng impormasyon at pagpapalaganap ng katotohanan. Ang laban sa red-tagging ay hindi lamang laban ng mga biktima nito, kundi laban ng buong bayan na naghahangad ng isang mas malaya at patas na lipunan.

 

      Hindi tayo maaaring manahimik. Panahon na upang wakasan ang kultura ng panunupil at itaguyod ang karapatang magpahayag nang walang takot. Dahil sa huli, ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa lakas ng bawat boses na tumitindig para sa katotohanan.

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *